Quezon City – Naging matahimik at maayos ang paggunita ng All Saints Day kahapon sa lahat ng sementeryo at kolumbaryo sa lungsod ng Quezon base sa assessment ng Quezon City Police District (QCPD).
Bagaman ang bugso ng tao ay nangyari kahapon, inaasahan pa rin ngayong araw, All Souls Day na marami pa rin ang dadalaw sa mga sementeryo pero hindi na kasing dami kahapon.
As of 10 P.M kagabi, pumalo sa 35,578 ang pumasok sa Holy Cross Memorial Park Cemetery habang sa Parokya ng Pagkabuhay (Bagbag) Cemetery ay umabot sa 27,153. 6,200 katao naman ang naitalang pumasok sa Himlayang Pilipino Cemetery sa Tandang Sora Novaliches Cemetery ay 1.072. Baesa Cemetery ay 1,000 at Recuerdo Cemeteries ay 800 katao.
Maging ang 17 Columbary sa lungsod ng Quezon dinayo din ng mga tao na bumisita sa kanilang namayapang mahal sa buhay.
Sa mga bus terminal naman, may mangilan-ngilan pa ring pasahero ang humabol na makauwi ng kanilang lalawigan hanggang kagabi.
Ayon pa sa Quezon City Police mananatiling naka-deploy ang kanilang pwersa sa mga sementeryo, kolumbaryo gayundin sa mga bus terminal at vital installations kasama ang force multipliers ngayong buong maghapon.