PAG-UUSAPAN | PBA, planong maglabas ng patakaran sa mga players na nag-AWOL

217

Manila, Philippines – Plano ngayon ng PBA na maglabas ng panibagong patakaran hinggil sa mga players na nag-AWOL sa kani-kanilang koponan.

Sa nasabing patakaran, hindi pwedeng kunin ng iba ang player na nag-AWOL kung saan hihintayin muna nila kung ite-trade ito ng kaniyang mother team.

Bukod dito, pag-uusapan din ng PBA board of governors na i-limit sa edad na 22 years old ang kukuning rookie dahil nais nila na makatapos ito sa ipinapatupad na k-to-12 program ng DepEd.

Gusto din ng PBA na i-apply ang one-year grace period sa mga player na nais bumalik sa PBA matapos nilang maglaro ng ibang liga.

Facebook Comments