Undas safety tips, ibinahagi ng isang road safety expert

Manila, Philippines – Nagbigay ng payo ang isang road safety expert sa mga motorista para masiguro ang kanilang kaligtasan sa pagbiyahe ngayong Undas.

Ayon kay Global Road Safety Partnership (PGRSP) (Confederation of Truckers Association of the Philippines) Executive Director Bert Suansing, dapat suriin muna ng driver kung nasa tamang kondisyon ang mga bahagi ng sasakyan bago isabak sa kalsada.

Kabilang na dito ang mga ilaw, battery, wiper, fan belt, pero at radiator.


Dapat din aniyang tiyakin kung tama ang hangin ng mga gulong lalo na kung tuloy-tuloy ang biyahe.

Mahalaga ring nasa tamang kondisyon ang mismong magmamaneho ng sasakyan.

Bukod dito, giit ni Suansing sumunod sa speed limit at maghanda ng baryang ibabayad sa tollways para hindi tumagal sa toll booth.

Facebook Comments