Under voltage na suplay ng kuryente, nararanasan ngayon sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte

Zamboanga Del Norte, Philippines – Under voltage na suplay ng kuryente ang nararanasan ngayon sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte.

Ito ang inihayag ni Paul Jauculan, corporate information staff ng Zamboanga Del Norte Electric Cooperative o ZANECO.

Ayon sa ZANECO, ang mababang boltahe ng kuryente mula sa linya ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang dahilan ng ilang beses na on and off na sistema ng kuryente sa lalawigan na ikinadismaya na ng mga negosyante at mga konsumante ng ZANECO dahil ilang araw na itong nararanasan sa lalawigan.


Sa nakuhang impormasyon sa ZANECO mula sa NGCP, nakaranas umano ng pag-trip off ang isa sa mga power supplier na WMPC na posibleng nakakaapekto sa ilang linya nila na nagsi-serbisyo sa iba’t ibang mga electric cooperatives sa Mindanao.
DZXL558

Facebook Comments