Western Visayas, walang banta ng terorismo ayon sa Philippine Army

Western Visayas, Philippines – “Walang banta ng terorismo ang Western Visayas.”

Ito ang sinabi ni Bgen. Jon Aying, commanding general ng 3IB Philippine Army sa Western Visayas.

Ang pahayag ginawa ni Aying kasunod ng Marawi incident.


Ayon sa kanya, mahihirapan umanong pumasok ang teroristang grupo sa Western Visayas dahil wala silang civilian supporters sa lugar.

Dagdag ni Aying, wala silang may namonitor na pumasok na pinaghihinalaang grupo o banta ng terrorist group sa Western Visayas.
DZXL558

Facebook Comments