Manila, Philippines – Nagsagawa ng under water flag raising ceremony ang AFP sa Philippine Rise na dating Benham Rise sa kauna-unahang pagkakataon.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng ika 1 daan at 19 na araw ng kalayaan ng bansa ngayong araw
Nakapaloob sa fiber glass ang watawat ng Pilipinas na ikinabit sa flagpole na nakatayo sa konkretong bahagi ng Philippine Rise, 57 metro ang lalim ng dagat.
Kinumpirma rin ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, na maliban sa under water flag raising ceremony ay may seremonya ring ginawa sa BRP Davao Del Sur na ngayon nasa Benham Rise.
Habang iwinagayway rin ang mga bandila ng Pilipinas sa mga teritoryo nito sa West Philippine Sea partikular sa Pag-Asa Island.
DZXL558
Facebook Comments