Undersecretary, ‘sinipa’ umano ni Pangulong Duterte dahil sa kurapsyon

Isang undersecretary umano ang sinipa ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtatangkang mangulimbat sa pera ng bayan.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ng pangulo na sinubukang ibulsa ng isang undersecretary ang P500,000 mula sa isang ahensiyang nangangailangan ng ₱5 million.

Ayon pa sa pangulo, nasaksihan mismo ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pangyayari.


Kasunod nito, inalala rin ng pangulo kung papaano niya ipinatawag ang mga opisyal ng Bureau of Immigration na sinuspinde ng Office of the Ombudsman dahil sa kaugnayan sa “pastillas scheme”.

Ayon sa pangulo, pinakain niya ng pera ang mga ito upang ipakita na seryoso siya sa pagsugpo sa korapsyon.

Facebook Comments