Manila, Philippines – Muling umaasa ang Transport Network Company na Grab na maaprubahan ang hiling nilang matanggap ang halos 6,000 displaced drivers para maserbisyuhan pa ang maraming pasaherong gumagamit ng kanilang platform.
Ayon kay Grab Philippine Marketing Head Cindy Toh, prayoridad nila ang onboarding ng mga displaced drivers na hindi bahagi ng master list ng LTFRB.
Ani Toh, nakakatanggap sila ng aabot sa 600,000 passenger booking request kada araw habang nasa 35,000 Grab vehicles lang ang pumapasada.
Ibig sabihin, umaapaw ang demand ng rides habang malala ang undersupply ng kanilang kotse na nagreresulta ng mahabang oras na pag-aantay ng mga pasahero.
Sa ngayon, ang Grab ay naglalabas ng insentibo sa mga driver para ganahan sa pamamasada.
Hinimok din ng Grab ang mga pasahero na gumamit ng grabshare, o carpooling.