Undersupply ng bigas sa bansa, tiyak na matutugunan ng rice tariffication law

Manila, Philippines – Tiyak na matutugunan ng rice tariffication law ang undersupply ng bigas sa bansa at matutulungan ang mga lokal na magsasaka.

Ito ang tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) sa harap ng mga pangambang papatayin ng bagong batas ang kabuhayan ng mga local farmer.

Sa ilalim kasi ng rice tariffication law, papayagan na ang unlimited rice importation ng mga pribadong sektor kapalit ng pagbabayad ng taripa sa gobyerno.


Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez – ang P10-billion rice competiveness enhancement fund na makukuha rito ay ipapamahagi rin sa mga magsasaka para sa kanilang punla, irigasyon, mechanization at iba pa.

Sa pamamagitan nito, bababa ang gastos ng mga magsasaka at makakalaban sila sa importasyon ng bigas.

Dagdag pa ng kalihim, hindi lang naman ang mga magsasaka at importer ang makikinabang dito, dahil mahigit 100 milyong Pilipino rin ang magkakaroon ng access sa mas murang bigas.

Facebook Comments