Underwater drone na natagpuan sa Masbate, posibleng ginamit para aralin ang underwater terrain ng bansa

Naniniwala si Senator Migz Zubiri na ang submersible drone na nakita sa karagatan sa Masbate ay posibleng ginamit para aralin ang ating underwater terrain.

Ayon kay Zubiri, noong Senate President pa siya ay nagkaroon sila ng monthly meetings kasama ang intel community at doon sinabi sa kanya na mina-map out o pinag-aaralan ng China ang underwater terrain hindi lang ng West Philippine Sea kundi ng ibang bansa.

Sinabi ng senador na nakababahala ito dahil maaari itong maging isyu sa ating national security.


Ang natagpuan aniya kasing underwater drone ay nasa loob ng ating teritoryo at lumalabas pa na China-made ito na malinaw na paglabag sa ating territorial integrity.

Sa ginagawa aniyang ito ng China ay mukhang sinusubok nito ang presensya at limitasyon ng ating gobyerno lalo’t ang monster ship ng China ay hindi pa rin umaalis sa bahagi ng Zambales.

Facebook Comments