Undocumented Filipinos sa Geneva, maari nang mag-apply ng legal residency permit

Manila, Philippines – Nagbukas ng oportunidad para sa legal residency ang pamahalaan ng Switzerland para sa undocumented migrants sa Canton, Geneva.

Ito ay sa ilalim ng “Operation Papyrus” na binuksan ng Swiss government para sa undocumented migrants kabilang na ang mga Pinoy sa Canton at Vaud.

Ang kailangan lamang ay sampung taon nang naninirahan sa Geneva ang aplikante, may A2 level French proficiency, at may kapasidad na suportahan ang kanyang sarili.


Sa sandaling mabigyan ng legal residency permit ang undocumented migrant, maaari na siyang ligal na magtrabaho at manitahan doon.

Ang “Operation Papyrus” ay ipatutupad ngayong taon hanggang sa taong 2019.

Sa ngayon-1,697 ang undocumented Filipino migrants sa Cantons Geneva at Vaud.
Nation

Facebook Comments