Undocumented imported fish, sinamsam ng BFAR sa Malabon City

Sinamsam ng mga pulis at mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang may 476 kahon ng imported na isda sa dalawang dealer sa Malabon City.

Alinsunod ito sa direktiba ni BFAR Director Eduardo Gongona na paigtingin ang kampanya laban sa illegal importation.

Sa kanilang isinagawang market inspection, wala umanong maipakitang kaukulang importation documents ang isang dealer na paglabag na sa batas.


Habang ang isa pang dealer ay hindi magkatugma ang delivery receipt na iprenesinta sa mga otoridad.

Inisyuhan na ng Notices of Violation ang mga dealer ng imported fish para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Kabilang sa mga na-kumpiskang items ay mga isdang galunggong, mackerel, squid, yellow tail salmon, at moonfish.

Facebook Comments