Manila, Philippines – Pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs ang undocumented OFWs sa Saudi Arabia na may pagkakautang na ayusin na ang kanilang obligasyon.
Ito ay para mapabilis ang pagproseso sa kanilang exit visa.
Sa ngayon, nai-forward na ng Philippine Embassy sa Riyadh sa Saudi Immigration ang application sa exit visa ng mga nagpatala bago pa man natapos ang June 25 deadline sa amnesty program.
Kabuuang 12,000 undocumented ofws ang nagpa-rehistro para sa amnesty program ng Saudi Govt. at mahigit limang libo sa mga ito ay napauwi na ng Pilipinas.
Tiniyak din ng DFA na iisyuhan nila ng panibagong pasaporte ang undocumented OFWs na nakauwi na ng bansa.
Facebook Comments