Manila, Philippines – Maaari nang makuha ng mga unemployed SSS members ang kanilang unemployment separation benefit sa alinmang sangay ng ahensiya sa bansa at sa abroad.
Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio, ang unemployment benefit ay isa sa mga benepisyung laan sa mga miyembro sa ilalim ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018.
Ang lahat ng member-applicants ay maaaring mabigyan ng cash benefit na kasing halaga ng kalahati ng kanilang average monthly salary credit para sa maximum period na dalawang buwan.
Sa pamamagitan aniya ng benepisyung ito, ang mga miyembro kasama ang mga kasambahay at Overseas Filipino Workers (OFWs) ay pinagkakalooban ng dagdag na social security protection.
Paliwanag pa ni Ignacio, ang benepisyaryo ay hindi hihigit sa 60 taong gulang mula nang mawalan ng trabaho.
Dapat nakapagbayad ito ng 36 monthly contributions sa loob ng 12 buwan.
Ang involuntary separations mula March 5, 2019 onwards ay may tiyak nang unemployment insurance.