Unemployment insurance cash payments, hiniling na palawigin para sa mga mawawalan ng trabaho

Hinimok ni Cebu Rep. Eduardo Gullas ang Kongreso na palakasin at palawigin ang kasalukuyang unemployment insurance cash payments na ibinibigay ng Social Security System (SSS).

Ito ay para matulungan ang mga involuntarily separated na mga manggagawa o empleyado na natanggal sa trabaho dahil sa retrenchment o downsizing, at pagsasara o pagtigil ng operasyon ng kanilang kumpanya.

Giit ni Gullas, ang mga involuntarily separated workers na apektado ngayon ng COVID-19 ay posibleng abutin ng average na anim na buwan bago sila makahanap ng bagong trabaho.


Hiling ng Kongresista sa gobyerno, gawing 6-month period ang unemployment insurance o cash assistance ng SSS sa mga laid-off workers mula sa naunang proposal sa Kamara na dalawang buwan lamang na cash support.

Sa isinusulong ng Kongresista, makaka-avail ng cash assistance ng SSS ang mga natanggal na empleyado kung ito ay may 36 na buwan na hulog ng kanilang SSS contribution.

Maliban sa pagpapalawig ng unemployment insurance ay inirekomenda din ang pagbibigay ng one-time “Child Support Insurance” sa mga manggagawang mawawalan ng trabaho na may anak na 21 taong gulang pababa.

Mababatid na inihayag ng Department of Finance na ang SSS ay may P1.2 Billion cash payments sa 60,000 na manggagawa pero ito ay mula lamang sa tourism sector.

Facebook Comments