Unemployment insurance kapalit ng ayuda, isinusulong sa Kamara

Isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda na mula sa mga ayuda ay lumipat muna ang pamahalaan sa unemployment insurance para sa mga kababayang nawalan ng trabaho sa bansa.

Tinukoy ng economist-lawmaker na ang pagtaas ng unemployment rate sa 6% na naitala sa buwan ng Mayo ay patuloy na nakakaapekto sa mga pangunahing sektor ng ekonomiya.

Inirekomenda ni Salceda na dahil patuloy na nagpapakita ng kahinaan ang sitwasyon ng trabaho sa bansa, ay kailangan nang magpalit ng gobyerno mula sa social benefits system na cash transfers o ayuda patungo sa universal unemployment insurance.


Paliwanag ng mambabatas, mayroong mga empleyado at manggagawa na kamakailan lang ay nawalan ng trabaho at papunta na sa paghihirap pero ang ating kasalukuyang social benefits system ay hindi sapat para makatugon sa kanilang pangangailangan.

Umapela rin ang kongresista na mas maging agresibo ang pamahalaan sa paglikha ng trabaho upang makaagapay at mabigyan ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Punto pa ni Salceda, ang pansamantalang ‘cash-for-work programs’ ay hindi matutugunan ang mga isyung kinakaharap na humahadlang sa pagdami ng mga trabaho.

Facebook Comments