Nabawasan ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa batay sa huling ulat Philippine Statistics Authority.
Mula sa 5.4% noong Hulyo, naitala ito sa 4.5% noong Oktubre.
Ayon sa PSA, bumaba ang bilang ng walang trabaho sa 2.05 million kung ikukumpara sa 2.2 million sa kaparehong buwan noong 2018.
Ito na ang “lowest on record” na unemployment rate, na malayo sa 13.9% all-time high noong unang quarter ng 2000.
Noong nakaraang buwan, nasa 95.5% ng kabuuang labor force ang kasalukuyang may trabaho.
Mas mataas kung ikukumpara sa 94.9% na employment rate noong parehong buwan ng 2018.
Mas maraming unemployed ang lalaki (61.4%) kumpara sa kababaihan (38.6%) sa nakalipas na buwan.
Pinakamataas ang porsyento ng may trabaho ang Zamboanga Peninsula na nakakuha ng 98.1% habang pinakamababa ang BARMM na nay 93.4%.
Lumalabas din na 68.7% ang may full-time na trabaho habang 30.5% naman ang nagtratrabaho ng part-time.
Pumapatak naman sa 14.9% ng kabuuang bilang ng mga naghahanapbuhay na kabataan.