Posibleng lumala pa ang unemployment rate sa bansa sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
Ito ang pahayag ng ibon foundation kasabay ng pagpuna nito sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) hinggil sa employment rate ng mga pilipino.
Sa isang forum, ipinunto ni Ibon Foundation executive Director Sonny Africa ang pagbagsak ng agricultural employment nitong Enero kung saan 1.7-milyong trabaho ang nawala sa nasabing sektor mula sa 10.9-milyon na bilang noong nakaraang taon.
Pinuna rin nito ang umano’y pagbibigay prayoridad ng pamahalaan sa chinese workers sa pagbibigay ng trabaho.
Batay sa datos ng PSA, umakyat sa 94.8-rate ang bilang ng mga pilipinong nagkaroon ng trabaho sa nakalipas na isang taon hanggang nitong Enero.
Sa kabila nito, bumaba sa 9.2-percent ang oportunidad sa sektor ng agrikultura.