Unemployment rate sa bansa noong Marso, bumaba sa 7.1%

Nakapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 7.1% na unemployment rate sa bansa noong March 2021.

Mas mababa ito kumpara sa 8.8% unemployment rate noong Pebrero at 8.7% noong Enero 2021.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, katumbas ito ng 3.44 million na mga Pilipinong walang trabaho noong Marso, mas mababa sa 4.19 million jobless Pinoys noong Pebrero.


Ang datos noong Marso ay ang pinakamababa na simula noong April 2020 kung saan nakapagtala ng 17.6% unemployment rate dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments