Manila Philippines – Pumalag si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa pahayag ng online news site Rappler na ang imbestigasyon ng DOJ ay fishing expedition na naglalayong sikilin ang press freedom.
Ayon kay Aguirre, ang pahayag ng Rappler ay unfair sa matitinong tauhan ng NBI at Department of Justice (DOJ).
Nilinaw din ng DOJ na ang department order na nag-aatas sa NBI na magsagawa ng imbestigasyon at case build up sa posibleng paglabag ng Rappler sa Konstitusyon ay hindi paglabag sa press freedom.
Sa katunayan aniya, nirerespeto ng DOJ ang kalayaan sa pamamahayag.
Gayunman, malinaw aniya sa sinabi mismo ng National Press Club, na ang responsableng pamamahayag ay nangangahulugan ng pagtalima sa batas.
Nilinaw pa ni Aguirre na ang aksyon nila laban sa Rappler ay kasunod na rin ng Official Communication mula sa Securities And Exchange Commission matapos nitong kanselahin ang Certificate of Incorporation ng online news site.
Hinikayat din ng DOJ ang pamunuan ng Rappler na makipagtulungan sa imbestigasyon ng NBI.