“Unfriendly Manner” na utos ng Malacanang sa paghuli sa mga foreign vessel na dadaan nang walang paalam sa Phil Waters malabo ayon sa DND

 

Nalalabuan ang Department of National Defense sa utos ng Malacanang na paghuli sa mga foreign vessel na dadaan ng walang paalam sa Philippine Waters.

 

Batay sa statement ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo nakasaad na kinakailangang humingi muna ng diplomatic clearance ang lahat ng foreign vessel sa Phil. Govt bago makakadaan sa karagatan ng Pilipinas..

 

Ang hindi aniya susunod sa ay huhulihin sa pamamagitan ng “unfriendly manner”.


 

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana  malabo ang ibig sabhihin ng unfriendly manner na binabanggit sa statement ni Panelo.

 

Magkagayunpaman ayon sa kalihim isang welcome development ang action na ito ng Malacanang laban sa mga Foreign vessel na lumalayag ng walang paalam sa philippine waters.

 

Sinabi ng kalihim maraming ibig sabihin ang unfriendly manner pero dahil sya ay dating miyembro ng Philippine Army ay walang syang alam sa mga terminologies patungkol sa maritime kaya makikipag ugnayan sya sa Philippine Navy para maipaliwanag sa kanya ang mga terminology na ito.

Facebook Comments