Iginiit ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na walang dahilan para panghimasukan na ng ibang bansa ang usapin ng Karapatang Pantao sa Bansa.
Kaugnay ito ng resolusyon ng United Nations Human Rights Council para imbestigahan ang kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga at ang anilay paglabag sa karapatang pantao dahil sa mga napapatay sa war on drugs ng administrasyon.
Kumbinsido rin si CJ Bersamin sa posisyon ng Malacanang na nagsasabing ang nasabing resolusyon ay hindi desisyon ng mayorya ng UNHRC.
Sa kabila nito, sinabi ni CJ Bersamin na hindi siya maaring maging arkitekto ng relasyon ng Pilipinas sa ibang mga bansa.
Facebook Comments