Unibersidad at kolehiyo, inatasan ng CHED na tanggapin ang mga estudyante galing sa Marawi kahit hindi kumpleto ang dokumento

Manila, Philippines – Inatasan ng Commission on Higher Education o CHED ang lahat ng kolehiyo at unibersidad na tanggapin ang lahat ng estudyante na manggagaling sa Marawi City kahit hindi nila ma meet ang kinakailangang mga requirements o mga dokumento.

Sa ginanap na breifing ngayon dito sa Palasyo ay sinabi ni CHED Commissioner Prospero De Vera na ilalabas nila ang advisory hinggil dito bago matapos ang linggo.

Ayon kay De Vera, agad sisitahin ang mga educational institutions na hindi susunod.


Positibo naman si De Vera na wala namang mga kolehiyo at unibersidad na tatangging makatulong sa mga estudyante sa Marawi na apektado ng karahasang inihahasik ng Maute Terror Group.

Sa tingin ni De Vera, pansamantala lang naman ito at babalik din ang mga apektadong estudyante sa Marawi sa oras na maging maaayos na ang sitwasyon sa kanilang lugar.

Facebook Comments