Ipinapanawagan ni Senator Sherwin Gatchalian sa pamahalaan ang pagkakaroon ng mahusay na contact tracing sa harap ng lumolobong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Sen. Gatchalian, malaki ang tulong ng unified contact tracing sa mga Local Government Units (LGUs) para malimitahan ang pagkalat ng sakit.
Iginiit ni Gatchalian na hindi epektibo ang estilong “mano-mano.”
Dagdag pa ng senador na dapat baguhin at ayusin ang mga proseso para mapigilan ang pataas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Facebook Comments