Uniform at Clothing Allowance ng Empleyado ng CamSur Provincial Office, Hindi Mandatory – Admin. Angel Naval

Ipinahayag kahapon ni Camarines Sur Provincial Administrator Angel Naval sa interview ng DWNX kahapon na 2 buwan na umano ang nakaraan nang magkaroon ng pag-uusap ang mga opisyal ng kapitolyo tungkol sa uniform at clothing allowance ng mga empleyado. Subalit halata sa kanyang pahayag na hinidi niya masyadong gamay o di kaya nag-aalangan siya na mapag-usapan ang bagay na ito.
Ayon sa reklamo ng mga empleyado, huli silang nakatanggap ng clothing allowance noon pang kapanahunan ni Governor Luis R. Villafuerte. Sakaling totoo itong reklamo ng mga empleyado, lumalabas na 14 years ng hindi sila nakakatanggap ng uniform at clothing allowance.
Sa pahayag ni Naval, hindi naman mandatory na magbigay ng uniform at clothing allowance sa mga empleyado. “Ini kayang clothing allowance, baku man po kaya ining mandatory benefits na inaapod. Ang national government po kaya, pag nagpaluwas nin arog kaiyan, dae man po yan nagpadara kwarta. Nagtatao lang sinda nin guide sa mga local government unit. Kung igwa kamong kwarta, mga local government unit, pwede kamong magtao kaini” pahayag pa ni peovincial Administrator Angel Naval sa DWNX.

Facebook Comments