Uniform travel protocols para sa lahat ng LGUs, inaprubahan ng IATF

Mas pinadali na ng pamahalaan ang pamamasyal o travel ng local tourists.

Ito ay dahil hindi na kailangan pang sumailalim sa COVID-19 testing ang local travelers para makapamasyal sa hangaring muling sumigla ang ating ekonomiya.

Sa pinakahuling desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), inaatasan nito ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na bumuo ng uniform o pare-parehong travel protocols para sa land, air and sea travelers na may pakikipag-ugnayan sa Union of Local Authorities of the Philippines, League of Provinces of the Philippines, League of Municipalities of the Philippines, at League of Cities of the Philippines.


Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang pagsasagawa ng RT-PCR test sa mga local tourists ay depende na lamang sa kagustuhan ng pupuntahang LGUs.

Hindi na rin aniya kinakailangan pang sumailalim sa quarantine ang isang turista liban na lamang kung nagpapakita ito ng sintomas.

Samantala, hindi na rin kailangan pa ng documentary requirements tulad ng travel authority at health certificates habang ang mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) na mula sa national government agencies ay kinakailangang makapag provide ng kanilang ID, travel order, at travel itinerary at makapasa sa symptom-screening sa alinmang ports of entry and exit.

Facebook Comments