Magandang balita dahil bibigyan ng 20 porsyentong diskwento sa pamasahe sa bus ang mga uniformed personnel tulad ng pulis, sundalo, coastguard, BJMP at BFP.
Sa kalatas na ipinalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), mamayang alas nueve ng umaga pormal ng lalagdaan ang isang memorandum.
Sakop sa diskwento na ipagkakaloob sa mga uniformed personnel ang mga city buses at provincial buses.
Kabilang sa dadalo mamaya sa tanggapan ng LTFRB ay sina PNP Chief Director General Oscar Albayalde, NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, DOTr Secretary Arthur Tugade, LTFRB Chairman Martin Delgra III, AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal Jr., PCG Commandant Admiral Elson Hermoginio at mga bus operators.
Facebook Comments