MANILA – Binawi na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unilateral ceasefire ng gobyerno sa CPP-NPA.Sa kanyang talumpati sa launching ng solar-powered irrigation system sa Cotabato City, sinabi ng Pangulo na tinawagan niya si AFP Chief-Of-Staff Gen. Eduardo Año para ipag-utos ang pag-aalis sa ceasefire.Kasunod na rin ito ng pagbawi ni CPP-NPA sa kanilang unilateral ceasefire sa gobyerno.Giit pa ni Duterte, masyadong malaki ang demand ng NPA partikular ang nais ng mga itong pagpapalaya sa 400 mga political prisoners.Kaugnay nito, ipinag-utos ng Pangulo sa mga sundalo na bumalik sa kanilang mga kampo at maghanda para sa laban.Samantala, nakatakdang bisitahin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasugatan sundalo sa naging bakbakan ng mga ito laban sa rebeldeng grupo.
Unilateral Ceasefire Ng Gobyerno Sa Cpp-Npa, Binawi Na Rin Ni Pangulong Rodrigo Duterte
Facebook Comments