It’s the season of love again! Nalalapit na naman ang Valentine’s Day, karamihan sa atin ay nagiisip na naman ng unique gifts para sa ating mga boyfie, girlfie o di naman kaya para kay hubby or wifey. Pero di naman lahat sa atin ay taken this Valentine’s ang iba diyan ay magce-celebrate without that special someone.
Sa mga single at not ready to mingle this Valentine’s na nagbabalak magregalo sa kanilang family o friends ito ang ilan sa best unique na puwede niyong gawin. Madali at mura lang siguradong may memorable gift ka na this Valentine’s Day!
Tea Hearts
Perfect ito para kay mommy at daddy o kay lolo and lola. Sobrang dali lang at napakagandang ipangregalo. Gumupit lang ng tea bag at gawing hugis puso ito at lagyan ng tea leaves na gusto mo o ng pagbibgyan mo. Simple but useful, maari ka ring gumawa ng DIY cardboard box na paglalagyan ng mga tea bags.
Love Vials
Ang vials ay glass containers na pinaglalagyan ng iba’t ibang klaseng gamot. Puwede mong gamitin ang mga lumang vials sa bahay as DIY Valentine’s gift. Unang gawin ay siguraduhing malinis ang lumang bote at nahugasan maigi. Maari mo itong lagyang ng dekorasyon na gusto mo tulad ng cut-outs, glitters o pictures. Puwedeng-puwede itong lagyan ng seasonsings na ginagamit ni mommy sa pagluluto o di kaya’y candies para naman kay bagets.
Photo Candle
Swak na pangregalo rin ang family picture ngayong Valentine’s. Puwedeng-puwede mong bigyan ng twist ang classic na Valentine’s gift na ito. Gamit ang lumang candle holder, mag-print ng inyong favorite family photo sa isang contact o transparent paper. Idikit ito sa labas ng candle holder at lagyan ng kandila sa loob. Puwede mo na itong i-display sa inyong bathroom, sa sala o kahit na sa kwarto.
Love Mailbox
Pinakamagandang pangregalo pa rin ngayong Valentine’s ang ay ang love letters. Paano nga ba na’tin mabibigyan ng twist ang love letters na’tin sa family? Gamit ang lumang cardboard box, gumawa ng mailbox at lagyan ng nakakatutuwang decorations na magugustuhan ng family. Maari itong lagyan ng love letters at gawing pang-surprise.
Personalized Speakers
Para sa mga magreregalo kay ate, kuya o bunso perfect itong DIY gift na ito. Gamit lang ang lumang tissue roll at paper cups maari mo nang bigyan ng phone speaker ang iyong loved ones! I-decorate lang ang tissue roll (maari mo itong pinturahan o lagyan ng pangalan) at gumupit ng butas sa gitna na sakto sa sukat ng cellphone. Gamit ang glue o hot glue, idkit ang dalawang paper cups sa magkabilang butas ng tissue roll.
Lagi na’ting tatandaan na ang tunay na kahulugan ng Valentine’s Day ay pagmamahal. Hindi na’tin kailangan magkaroon ng girlfriend o boyfriend para gunitain ang araw na ito. Minsan mas masarap na gunitain rin ‘to kasama ang pamilya o kaibigan. Ang pagmamahal ay para sa lahat kaya ang paggunita sa Valentine’s ay para rin sa lahat.
Article by Jose Martin Oanes