UNIQUE RESTO | Restaurant na pagkain din ang bayad sa serbisyo ng mga empleyado, binuksan sa Japan

Tokyo, Japan – Isang kakaibang restaurant sa Jinbocho District sa Tokyo, Japan ang araw-araw na dinarayo ngayon hindi lang ng mga gustong kumain kundi ng mga gusto ring magtrabaho.

Ang “Mirai Shokudo” na itinayo ng dating engineer na si Sekai Kobayashi ay bukas raw para sa mga taong walang makain.

Pero kapalit nito, 50 minuto silang magta-trabaho sa restaurant gaya ng paglilinis ng mga lamesa, pagsisilbi bilang waiter at paglilinis bago magsara ang tindahan.


Walang regular na empleyado ang Mirai Shokudo maliban kay Kobayashi.

Kaya simula nang itayo ang restaurant, umabot na sa limang-daang tao ang nakapagtrabaho rito.

Para kay Kobayashi – exciting ang kanyang trabaho bilang restaurant owner at cook dahil araw-araw siyang nakakasalamuha ng iba’t ibang tao.

Facebook Comments