ATIO HAZING CASE | Pagdinig, muling pinagpatuloy ng DOJ

26

Manila, Philippines – Personal na nanumpa sa kanyang affidavit si respondent-turned witness Marc Anthony Ventura sa pagpapatuloy ng preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) sa kaso ng pagpatay kay hazing victim Horacio “Atio” Castillo III.

Present din sa pagdinig ang mga magulang ni Atio na sina Horacio II at Carminia Castillo.

Humarap din sa pagdinig si John Paul Solano na miyembro ng Aegis Juris at pangunahing suspek sa kaso.

Sa kanyang sinumpaang salaysay, inilahad ni Ventura ang mga pananakit na sinapit ni Atio sa hazing rites ng Aegis Juris Fraternity.

Binigyan naman ng DOJ panel ng sampung araw ang respondents para magsumite ng kumento sa salaysay ni Ventura.

Umalma naman ang kampo ni John Paul Solano sa muling pagbubukas ng preliminary investigation dahil submitted for resolution na anila ang kaso noong November 2017.

Itinakda naman ng panel of prosecutors ang susunod na pagdinig sa January 22, 2018.

Facebook Comments