UniTeam rally sa Cavite, dinumog ng 120,000 katao – Gov. Remulla

Ayon sa panayam kay Cavite Gov. Jonvic Remulla, umabot sa 120,000 na mga taga-suporta ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang mga dumalo sa kanilang campaign rally sa General Trias Sports Park nitong ika-22 ng Marso.

“The PNP said 140,000—100,000 inside and 40,000 outside. But I think it is close to 120,000,” sabi ni Remulla.

Pinatunayan lamang umano nito na ang probinsya ng General Trias, Cavite ay “Marcos country”.


“Judging from Leni’s campaign that had 47,000 and according to the PNP, it had more than double,” dagdag pa niya. Tinutukoy ni Remulla ang crowd attendance sa parehong lugar noong bumisita ang kampo ni Vice President Leni Robredo noong unang linggo ng Marso.

Nag-post rin si dating Cong. Gilbert C. Remulla na ngayon ay bahagi ng campaign team ni Marcos ng mga drone shots ng nasabing rally sa loob at labas ng General Trias Sports Park.

“You didn’t disappoint, my fellow Caviteños,” sabi nito sa isang tweet na mayroon ding mga hashtag na #BBMSaraUNITEAM at #CAVITEforBBMSARA.

Sa isang Facebook post naman ay pinasalamatan muli ni Duterte-Carpio ang mga dumalo sa Cavite: “Ang ganitong pagtanggap sa amin ni Apo BBM ay patunay kung gaano niyo kamahal ang buong UniTeam, na naniniwala kayo sa pagpapatuloy ng mga pagpapabagong nararanasan ng ating bansa.”

Facebook Comments