CBCP at JesCom, magdaraos ng presidential debates mamaya

Magdaraos ng presidential debate ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at Jesuit Communications ngayong araw.

Apat sa top 6 na presidentiables ang lalahok sa debate na gaganapin sa Ateneo de Manila Hyundai Theater at ipapalabas mamayang alas-6 ng gabi sa iba’t ibang media outlets ng Simbahang Katolika.

Ito ang unang forum ng CBCP na layong tulungan ang mga mananampalatayang Katoliko na makapamili ng nararapat na maging susunod na pangulo ng Pilipinas.


Tatalakayin sa “USAPANG HALALAN 2022: The CBCP election forum” ang mga kasalukuyang isyu na kinakaharap ng bansa at ang kanilang pananaw sa mga paninindigan ng Simbahang Katolika.

Facebook Comments