World – Aprubado na ni United Arab Emirates President Khalifa Bin Zayed Al-Nahyan ang panibagong labor law na magbebenipisyo sa mga dayuhang manggagawa doon, kasama na ang maraming Overseas Filipino Workers.
Ayon sa UAE, sa ilalim ng bagong batas, dapat ibigay ang sweldo ng mga foreign workers sa tamang petsa ng kanilang sahod at bayad sa kanilang rest days.
Mayroon din dapat silang medical insurance, kasama na ang 30-days na medical leave kada taon. Kailangang hawak din ng mga manggagawa ang kanilang personal identification papers gaya ng passport.
Nasa mahigit isang daang libong OFW ang inaasahang magbebenipisyo sa nasabing bagong batas na magiging epektibo makalipas ang dalawang buwang paglalathala sa UAE official gazette.
Facebook Comments