Nanlaban I Holdaper, patay sa engkwentro laban sa mga pulis

Quezon City – Patay ang isang holdaper ng bus matapos manlaban umano sa mga pulis sa EDSA corner Whiteplains sa Quezon City kaninang madaling araw.

Ayon sa Quezon City Police Station 12, sumakay sa Ayala sa Makati ang apat na holdaper at nagdeklara ng holdap sa tapat ng isang mall sa Ortigas.

Sa bahagi ng Corinthian Gardens naman sila nagpababa kung saan saktong may nagrorondang mga pulis. Dito na nagkaroon ng engkwentro.


Narekober sa hindi pa nakikilalang napatay na suspek ang isang 9mm, anim na cellphone at isang silver na kuwintas.

Samantala, arestado naman ang isa pang suspek na kinilalang si CJ Tarroga, habang nakatakas ang dalawa pa nilang kasama.

Facebook Comments