Manila, Philippines – Naniniwala ang United Architect of the Philippines o UAP na malaking tulong sa mga Filipinong Architect na magparehistro sa Philippine Asean Architect upang makipagsabayan sa mga magagaling na Architect sa ibang bansa.
Ayon kay Architect Robert Mirafuente Board member ng UAP dadaan sa butas ng karayom ang mga kasapi ng Philippine Asean Architect dahil sa 28 libong rehistradong Architect sa Pilipinas 56 lamang ang miyembro ng PAC na dumaan sa mabusising proseso.
Paliwanag ni Mirafuente na kinakailangan ang pakikipag ugnayan ng mga Filipino Architect sa Foreign Architect upang kumuha ng mga eksperto para magbahaginan ng mga kaalaman sa arkitektura.
Inihalimbawa nito ang paggawa ng mga templo kung saan sanay ang mga Filipinong Architect sa Liturgical design na maaring pakikinabangan ng ibang bansa gaya ng bansang Myanmar at Thailand.
Facebook Comments