United Kingdom, nakapagtala ng dalawang kaso ng bagong Omicron COVID-19 strain

Kinumpirma ng bansang United Kingdom ang unang dalawang kaso nito ng bagong Omicron COVID-19 strain.

Ito ay matapos lumabas ang resulta ng isinagawang overnight genome sequencing ng UK Health Security Agency sa mga biyaherong may travel history sa Southern Africa.

Nadetect ang isang kaso sa central English city ng Nottingham habang ang isa ay sa Chelmsford sa silangan ng London.


Dahil dito, inilagay na ng British government sa red list ang mga bansang Malawi, Mozambique, Zambia at Angola epektibo ngayong araw.

Nauna nang nag-isyu ng travel ban ang United Kingdom sa anim na bansa mula sa South Africa bunsod pa rin ng banta sa bagong Omicron strain.

Facebook Comments