United Kingdom, tiniyak na maglalaan ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas

Siniguro ng United Kingdom na nakahanda silang maglaan ng kanilang dine-develop na bakuna kontra COVID 19 para sa Pilipinas.

Ayon kay Philippine Ambassador to United Kingdom Antonio Lagdameo, may binitiwang pangako ang UK na magkakaroon sila ng allotment ng bakuna para sa Pilipinas gayundin sa mga maliliit na bansa.

Aniya, tatlong beses na nilang nakapulong si Nigel Adams ang Minister for Asia at the Foreign Commonwealth and Development Office at napag-usapan nila ang dine-develop na bakuna ng UK na posibleng matapos ngayong taon o sa unang quarter ng 2021.


Facebook Comments