UNITED STATES – Kinuwestyon ngayon ni US President-Elect Donald Trump ang United Nations matapos ang kontrobersyal na boto na kumukondena sa Israeli settlements sa West Bank at East Jerusalem.Ayon kay Trump – ang naging desisyon ng 14 na bansang miyembro ng UN Security Council na bumoto pabor sa resolution 2334 habang nag-abstain ang amerika.Nangangahulugan aniya ito na walang karapatan ang israel na okupahin ang West bank at ilang teritoryong inaangkin naman ng palestine.Ang pasya ng Obama administration na mag-abstain mula sa UN vote ang nag-udyok naman kay Trump na igiit na gamitin ng Estados Unidos ang veto power nito bilang permanent member ng security-council.Babala ni Trump – mag-iiba na ang sitwasyon pagpasok ng Enero 21 o sa oras na opisyal siyang umupo sa White House.
United Nations – Binanatan Ni Us President Donald Trump
Facebook Comments