United Nations Human Rights Committee, pinangaralan ni Senator Bato dela Rosa na tigilan na ang pakikialam sa mga isyu ng bansa

Pinagsabihan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang United Nations Human Rights Committee (UNHRC) na huwag nang manghimasok pa sa mga domestic issues ng bansa gaya na lamang ng human rights issues.

Ito ang reaksyon ni Dela Rosa kasunod na rin ng rekomendasyon ng UNHRC sa mga umano’y paglabag sa karapatang pantao, extrajudicial killings at iba pang isyu sa bansa.

Giit ng senador na tigilan na ng UNHRC ang pakikialam sa mga isyu ng bansa dahil hindi naman nila subjects o tauhan ang mga Pilipino.


Hindi aniya dapat dinidiktahan ang Pilipinas at mahalagang iginagalang ng UNHRC ang kasarinlan ng bansa na may sariling justice system.

Marapat lamang aniyang igiit ng bansa ang kalayaan mula sa mga pagdidikta ng UNHRC dahil kuntento ang mga tao sa nangyayari sa bansa at mayroong sariling pamamaraan ang bansa para tumugon sa mga sitwasyon.

Facebook Comments