United Nations, nagpasa na ng resolusyong kumokondena sa pananakop ng Russia sa Ukraine

Mariing kinondena ng United Nations ang nagpapatuloy na pananakop ng Russia sa Ukraine.

Ito ay matapos suportahan ng 141 miyembro nito ang isang UN resolution na nag-uutos sa Russia na paatrasin ang pwersa nito sa Ukraine.

Ipinasa ang naturang resolution sa isinagawang emegency session ng UN Security Council.


Ilan sa mga bumoto laban sa reolusyon ay ang Eritrea, North Korea at Syria habang nag-abstain naman ang 35 miyembro ng UN kung saan kasama rito ang China.

Samantala, kinumpirma ng United Nation Human Rights Office na umabot na sa 227 sibilyan ang nasawi habang 525 ang sugatan sa Ukraine bunsod ng patuloy na pakikipaglaban nito sa Russia.

Facebook Comments