Ukrainian refugees, welcome sa Pilipinas ayon sa DOJ

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na welcome sa Pilipinas ang mga Ukrainian refugees na apektado ng pananakop ng Russia sa Ukraine.

Ngunit ayon sa kalihim, wala pa silang natatanggap na request na kaugnay nito.

Sa kabila nito, handa sila kung sakaling may Ukrainian ang naghahanap ng matitirhan.


Kaugnay nito, mababatid na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Executive Order upang bigyan ng protection ang mga refugees, stateless person at asylum seekers.

Sa ilalim nito, dadaan sa evaluation ng refugees and stateless persons protection unit ng DOJ ang mga nais mag-apply bilang refugee ng bansa.

Facebook Comments