United Nations, nangangamba sa patuloy na pagdami ng biktima ng karahasan sa Myanmar

Myanmar – Nangangamba si United Nations Secretary-General Antonio Guterres na maaari pang madagdagan ang dalawang daan at limampung libong (250,000) Rohingya Muslims na biktima ng karahasan sa Myanmar.

Inilarawan ni Futerres, sa unang pagkakataong pagharap niya sa Myanmar na isa itong “human rights nightmare.”

Dahil dito, iniutos niya ang agarang tulong sa mga apektadong lugar ng mga karahasan.


Higit limang daang libong (500,000) Rohingya Muslim ang nagpunta sa Bangladesh mula pa noong nakaraang buwan nang umatake ang mga rebelde malapit sa hangganan nito, dahilan upang magkaroon ang myanmar ng military retaliation na tinawag ng UN na “ethnic cleansing.”

Facebook Comments