1st death anniversary ni dating Senator Miriam Santiago, ginunita sa Loyola Memorial Park sa Marikina City

Marikina City – Inalala ng mga kaibigan, kaanak at taga-suporta ni Senator Miriam Defensor Santiago ang kanyang unang death anniversary sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Isang misa ang idinaos na sinundan ng mga programa.

Nakasuot ng paboritong kulay ng Senadora na pula ang kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang mister na si Narcisco “Jun” Santiago, mga kapatid na sina Nenalyn Evangelista at Dr. Linn Defensor.


Ilan din sa mga personalidad na pumunta ay sina Manila Mayor Joseph Estrada, dating Senador Bongbong Marcos at Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Pumanaw ang senador sa edad na sitenta’y uno (71) anyos, noong nakaraang taon dahil sa cancer.

Nakilala siyang matapang at palabang senadora. Pumatok din siya sa mga kabataan dahil sa kanyang mga pick up line.

Facebook Comments