MANILA – Nanghimasok na rin ang United Nations sa usapin ng pagbuhay ng parusang kamatayan sa PILIPINAS.Sa isang liham, na ipinadala kina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantalleon Alvarez ipinunto ni UN High Commissioner for Human Rights Zeid Ra’ad Al Hussein na maaring labagin ng Pilipinas ang mga obligasyon sa ilalim ng international human rights law.Ito’y kung muling bubuhayin ng pamahalaan ang death penalty sa bansa.Ayon kay Al Hussein – niratipikahan ng Pilipinas noong 2007 ang “second protocol on to the international covenant on civil and political rights” na nagtatakdang walang dapat mabitay sa hurisdiksyon ng isang bansa.Hindi anya, maaring bumitaw sa naturang kasunduan ang mga lumagdang bansa kasama na ang Pilipinas para matiyak na hindi na nito muling bubuhayin ang parusang kamatayan.
United Nations, Nanghimasok Na Sa Plano Ng Gobyerno Na Pagbuhay Sa Parusang Kamatayan
Facebook Comments