Manila, Philippines – Tiniyak ng United Nations World Tourism Organization na ligtas pa ring bisitahin ng mga dayuhan ang Pilipinas.
Ito ay sa kabila ng kaliwa’t kanang travel advisories na inilabas ng ilang bansa.
Sabi ni UNWTO Secretary General Taleb Rifai, kahit na may nagpapatuloy na gulo ngayon sa Mindanao at ang nangyaring gulo sa Resorts World Manila kamakailan, maituturing pa ring ligtas na pumasyal sa Pinas.
Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines na kontrolado na nila ang sitwasyon sa Marawi City matapos kubkubin ng Maute Terror Group.
Habang iginiit naman ng Philippine National Police na walang kinalaman sa terorismo ang nangyaring insidente sa RWM.
Matatandaang unang tinukoy ng embahada ng Estados Unidos ang Palawan na posibleng pasukin ng mga terorista.
At para patunayang ligtas mamasyal sa Palawan, nagpunta si Rifai doon kasama si Tourism Sec. Wanda Teo.
Sabi naman ni teo, kahit na maraming nangyayari sa Pilipinas, nananatili pa rin ang tagong ganda nito.