United Peoples’ SONA, ikakasa rin kasabay ng SONA ni PRRD

Photo Courtesy: Kodao Productions

Magsasagawa ang iba’t ibang grupo ng kanilang United People’s SONA para ilabas ang kanilang hinaing sa gobyerno.

Ito ay kasabay ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 22.

Ayon kay Teddy Casiño ng Movement Against Tyranny – aabot sa 10 grupo ang magkikilos protesta at kanilang tatalakayin ang isyu sa West Philippine Sea, katiwalian, extrajudicial killings, pag-abuso sa karapatang pantao, kawalan ng trabaho at kapalpakan sa diplomatikong relasyon sa ibang bansa.


Sasama rin sa protesta ang napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno, giit niya – walang sinumang ang pwedeng maging mataas pa sa batas.

Sabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo – malaya ang anumang grupo na magsagawa ng kilos protesta.

Aabangan ng mga grupo kung magiging makatotohanan ang magiging SONA ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments