Ika-4 na SONA ni PRRD, magiging ‘maikli’ lang

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na magiging ‘maikli’ lamang ang kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 22.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – posibleng hindi na talakayin ng Pangulo ang mga accomplishments ng gobyerno lalo at tinalakay na ito sa tatlong pre-SONA briefings na isinagawa ng cabinet clusters.

Una nang sinabi ni Panelo na hindi siya tiyak kung susundin ng Pangulo ang inihandang talumpati o mag-a-adlib.


Noong nakaraang taon, nagtagal lamang ng 48 minuto ang talumpati ng Pangulo.

Facebook Comments