Cebu, Philippines – Ilulunsad ng parallel support groups ni Presidente Rodrigo Duterte ang ‘Unity for Federalism’ ngayong araw ng Sabado sa Cebu City.
Ang aktibidad ay pangungunahan ng Duterte Clan Cebu simula alas 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi kung saan, inaasahan na dadaluhan mismo ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Rey Duterte Abad, ng Duterte Clan Cebu na kumpermado na darating si Duterte at maliban sa Pangulo, may mga performers din na dadalo sa Unity for Federalism.
Inaasahan na 50,000 hanggang 100,000 katao ang dadalo sa aktibidad ngayong Sabado.
Facebook Comments