Pinangunahan ng Pangasinan PPO sa pangunguna ni PCOL JEFF E FANGED, Prov’l Director ang Unity Run 2022 na tinaguriang “Takbo ng Pagkakaisa Kontra Droga Krimen at Terorismo” na ginanap sa Baywalk, Lingayen.
Naging posible ito sa suporta rin ni Hon. Ramon V. Guico III, Gobernador ng lalawigan ng Pangasinan bilang Panauhing pandangal at Tagapagsalita na kinatawan ni Rocky D Magliba, Consultant on Education and Community Dev’t sa ilalim ng Prov’l Governor’s Office.
Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng mga tauhan ng PNP, iba’t ibang stakeholder, civil society, estudyante, NGOs at Advocacy Support Groups.
Gayundin, ang aktibidad ay naglalayong itaguyod ang kamalayan sa kalusugan, bigyang kapangyarihan ang mga indibidwal at komunidad na maging responsable para sa kanilang sariling kalusugan kabilang ang sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pag-iwas sa paggamit ng droga. |ifmnews
Facebook Comments